ai to ai
para sa yo ai…
may nagsabi sa kin dati na expert sa paggawa ng sulat… wag daw sisimulan ang sulat sa paumanhin, hindi daw tama yun pero eto at susuwayin ko ang rule na yun…
ai, pasensya ka na at wag ka sana iirap kasi eto at gumawa ako ng sulat para sa yo… kahit alam ko na di mo hilig mga ganito… siguro naiisip mo pa nga ngayon eh eto na naman mga kakornihan ko… kakaiba ka kasi sa lahat… sa halip na kiligin sa mga matatamis na salita eh umiirap pa sa paniwalang puro lang yun pambobola… pero sana basahin mo pa rin ito…
di ko nga alam kung bakit ako naging ganito… mas marami ako pinagdaanan at mas marami nang alam sa buhay pero andami ko nang sariling rules na sinira at ibinasura dahil sa yo… wag mo naman mamasamain kasi di naman kita sinisisi… sinasabi ko lang…
di naman ako corny na tao… hindi ako expressive at hindi ako madaling magsabi ng nararamdaman sa ibang tao kahit pa matagal ko nang girlfriend… pero kahit ayaw mo eh parang di ko mapigilan na banggitin sa yo palagi na mahal kita…
kasi naman ikaw lang siguro minahal ko nang ganito… yun bang kahit simangutan mo ako eh tatanggapin ko… kahit sinabi ko na sa sarili ko na ayaw ko na eh bumabalik pa rin ako sa yo… kahit sabihan mo ako ng masakit na salita eh ako pa umaamo sa yo… kahit ipagtabuyan mo ako eh parang asong ulol pa rin akong hahabol habol sa yo… kahit sabihin mong di mo na ako mahal eh andito pa rin ako para sa yo…
ok po… alam ko na iniisip mo… sasabihin mo eh bakit? di mo naman ako panapagtyaga ng ganyan… o kaya sasabihin mo na nambobola lang ako at ganyan naman kaming mga lalaki na ganyan lagi sinasabi sa harap ng babae… kasi iba ka nga sa lahat kaya ganyan sasabihin mo di katulad ng iba na kikiligin siguro…
siguro kaya ako nagkaganito… na sinira sarili kong rules sa buhay… sabi ko nun eh di ako magmahal ng labis para walang masyadong sakit… pero eto ako ngayon at tinuturuan ang sarili na maging manhid para lang mamahal ka ng lubos…
sabi ko nun pag ayaw eh hwag… alam mo siguro ngayon na kinain ko na salita kong yan pagkatapos kong ipagpilitan pa rin sarili ko sa yo…
sabi ko nun wag sabihin lahat ng sikreto para hindi magamit laban sa sarili mo… pero ngayon eh alam mo na kahit pinakababaon ko na sikreto…
madami pang ibang nagagawa ko na ngayon dahil sa yo… pero syempre knowing you… di ako umaasa na pinaniniwalaan mo mga pinagsasabi ko…
sa kabila ng lahat marami pa rin akong ipagpapasalamat sa yo…
kahit ganitong siguro ay tinatawan mo lang mga sinasabi ko… salamat at minsan ay nagtiwala at naniwala ka din sa kin…
kahit noon ay mas gusto mong mapag isa sa may tabing dagat… salamat at hinayaan mong masamahan kita minsan habang naglalakad ka sa buhanginan…
kahit pagod na pagod ka na minsan… salamat kapag pinipilit mong mabigyan ako ng oras at makasama ka…
kahit natatakot kang may makakita sa atin… salamat sa mga pagkakataon na hinayaan mong ihatid o sunduin kita sa pagpasok…
kahit hindi ako umiinom… salamat at hinahayaan mong samahan kita sa pag inom mo…
kahit di ka naman talaga sweet at ayaw mong pinapakita nararamdaman mo… salamat sa isang pagkakataon na bigla mo ako hinalikan at sinabihan ng i love you habang nagluluto ako… salamat din sa mga pagkakataon noon na naibulong mo sa kin na mahal mo ako…
kahit masyadong masakit ang mga pinagdaanan mo… salamat at nagawa mong ibahagi sa kin ang parteng iyon ng buhay mo…
at kahit ngayon ay nawala na yung nararamdaman mo sa akin… salamat at minsan ay minahal mo rin ako…
at tatlong buwan na ngayon simula noon… kahit malayo na ang nararating ng bus 854… salamat at sumama ka na bumaba sa bus kasama ko… sapagkat sa kabila ng lahat… yung huling tatlong buwan na yun ang pinakamasayang tatlong buwan ng buhay ko…
happy 3rd months na sa yo…
ai
Explore posts in the same categories: Uncategorized